^

Metro

Company driver utas sa holdap

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang company driver, habang sugatan naman ang kasama nito makaraang ratratin sila ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na nagtangkang mangholdap sa mga una kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si  Vincent Fragata, 37, driver ng Caze Mart Forwarders.

Nasa malubha pang kondisyon ang kasamang driver din na si Noel Malina, 27.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect lulan ng isang galvanized tricycle na walang plaka at armado ng baril na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Del Fiero at Juan Luna Sts., Gagalangin Tondo.

Nabatid na katatapos lamang magdeliber ng kargamento ng dalawang biktima at nang paalis na ang kanilang delivery truck (WSN 825) ay hinarang sila ng mga suspek.

Nang tutukan ng baril kasabay ang pagdedeklara ng holdap ay pinaharurot ng driver ang sasakyan upang umiwas subalit mabilis silang pinaulanan ng bala ng mga suspect.

Dahil sa tama ng mga bala, nagpagewang-gewang ang truck na nakasagi pa ng nakaparadang Mercedes Benz.

Sinamatala naman ng mga suspek ang pagtakas sakay ng nasabing tricycle habang ang mga nakasaksing tambay ang nagsugod sa dalawang biktima sa JRRMC kung saan idineklarang dead-on-arrival si Fragata. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CAZE MART FORWARDERS

DEL FIERO

GAGALANGIN TONDO

JAY SANTOS

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JUAN LUNA STS

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MERCEDES BENZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with