^

Metro

Koreano tumalon mula 54th floor

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang buong katawan ng isang 29-anyos na Koreano matapos itong tumalon mula sa ika-54 palapag ng isang high rise building at lumagapak sa ika-4 na palapag ng katabing gusali sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Sewon Lee, binata, negos­yante ng Room 35 ng Pearl of the Orient sa 1240 Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Sa ulat ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:45 ng hapon nang matagpuang patay ang biktima sa 4th floor ng Belmar Building sa 1323 M. H. Del Pilar St., Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon, una umano ay nagtungo ang bik­tima at ang kanyang personal assistant na napupusuan na kinilalang si Jenny Buson, sa kaibigan ng una na si Jeong Kwon sa Unit 2182 Golden Empire Tower sa 1322 P. Faura St., Ermita.

Nakaugalian na umano ng biktima at ilan niyang kaba­bayan na magkuwentuhan at magkasiyahan sa Unit ni Kwon. Habang nasa Unit ni Kwon, umalis umano ang bik­tima at hindi nila alam na nag­tungo o umakyat ito sa ika-54 palapag ng Golden Empire Tower.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ng kalabog ang security guard ng Belmar building, katabi ng Empire Tower, na si Gerry Medriano at nang alamin ay nakita sa ika-4 na palapag ang dugu­ang biktima na lasug-lasog ang buong katawan.

Inamin umano ni Kwon sa imbestigador na may suicidal tendency ang biktima dahil una na itong nagtangkang mag­pakamatay sa Korea sa pamamagitan ng paglalaslas ng pulso. Nakita naman sa ika-54 na palapag ang tsine­las at cell­phone ng biktima na posib­leng iniwan muna bago tumalon.

Nabatid din ng imbesti­ga­dor na ang personal assistant ng biktima ang nakukursuna­dahan nito subalit nabigo ito at nagdamdam matapos mag­pahayag ang babae na naka­takda na siyang ikasal sa nobyo.

Gayunman, inaalam pa rin ng mga imbestigador kung may foul play sa kaso. 

Nakikipag-ugnayan na si MPD-Homicide chief, C/Insp. Erwin Margarejo sa Korean Embassy.

vuukle comment

BELMAR BUILDING

DEL PILAR ST.

EMPIRE TOWER

ERMITA

ERWIN MARGAREJO

FAURA ST.

GOLDEN EMPIRE TOWER

KWON

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with