Tourists na nag-extend ng pananatili obligadong kumuha ng I-card - Immigration

MANILA, Philippines - Obligado na ang mga dayuhang nagpalawig ng pananatili sa bansa o nag-aaral at pati na rin ang nag­tatrabaho sa maikling pa­nahon sa Pilipinas na kumuha ng Alien Certifi­cate of Registration Identity Card (ACR I-Card) mula sa Bureau of Immigration.

Ang bagong regulas­yon ay nakapaloob sa memo­ randum order na inilabas ni BI Commis­sioner Nonoy Libanan no­ong Dec. 2 na agad namang inaprubahan ni Justice Secretary Agnes Devanadera.

Sa ilalim ng nasabing memorandum, lahat ng tem­ porary visitors o mga tu­rista na nag-extend ng pa­nanatili sa bansa o may iba pang aktibidad ay ka­ila­ngang mag-apply at kumu­ha ng ACR I-Card mula sa BI.

Pinalitan ng I-Card ang paper-based ACR na da­ ting ibinibigay ng BI sa mga dayuhan na nakare­histro sa ahensiya na magsisil­bing patunay na legal ang kanilang pananatili sa bansa. (Butch Quejada)

Show comments