Tourists na nag-extend ng pananatili obligadong kumuha ng I-card - Immigration
MANILA, Philippines - Obligado na ang mga dayuhang nagpalawig ng pananatili sa bansa o nag-aaral at pati na rin ang nagtatrabaho sa maikling panahon sa Pilipinas na kumuha ng Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card) mula sa Bureau of Immigration.
Ang bagong regulasyon ay nakapaloob sa memo randum order na inilabas ni BI Commissioner Nonoy Libanan noong Dec. 2 na agad namang inaprubahan ni Justice Secretary Agnes Devanadera.
Sa ilalim ng nasabing memorandum, lahat ng tem porary visitors o mga turista na nag-extend ng pananatili sa bansa o may iba pang aktibidad ay kailangang mag-apply at kumuha ng ACR I-Card mula sa BI.
Pinalitan ng I-Card ang paper-based ACR na da ting ibinibigay ng BI sa mga dayuhan na nakarehistro sa ahensiya na magsisilbing patunay na legal ang kanilang pananatili sa bansa. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending