Quezon City court tinanggihan sa kaso ng Ampatuan
MANILA, Philippines - Tumangging hawakan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang kasong multiple murder ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na nairaffle sa sala ni QCRTC Judge Branch 84 Luisito Cortez.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Maryann Daytia, clerk of court sa sala ni Judge Cortez, hihilingin nila sa Korte Suprema na pag-inhibit sa kaso dahilan sa madami ng high profile case na hawak ang kanilang sala tulad ng Bersamin case at sila din sa ngayon ang humahawak sa mga kaso na nakasampa sa branch 85 dahil wala ditong hukom.
Bukod dito, kinokonsidera din umano ni Judge Cortez ang medical condition nito kayat nais na mag-inhibit sa kaso ng mga Ampatuan.
“Mag-i-inhibit kami sa Supreme court, madami na kaming mga high profile na kaso na hinahawakan eh bukod pa sa kaso sa branch 85 kasi walang Judge dun tsaka kino-consider namin ang medical condition ni Judge” pahayag ni Daytia.
Kahapon ng umaga nai -raffle ng QCRTC ang kaso pero ngayon hindi pa malaman ng panel of judges na pinamumunuan ni Judge Fernando Sagun kung sino ang hahawak sa kaso.
Sa record na nakuha ng QCRTC, may 25 bilang ng kasong murder ang naisampa kay Ampatuan, isang linggo makaraang magdesisyon ang Korte Suprema na hawakan ng QC court ang kaso ni Ampatuan. Si Ampatuan Jr. ang itinuturong pumaslang sa may mahigit 50 katao sa isang masaker sa Maguindanao. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending