Police asset itinumba
MANILA, Philippines - Isang lalaking sinasabing asset ng pulisya ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Alejandro Andrade, 26, ng Phase 10 Bagong Silang ng lungsod.
Base sa ulat, ala-1 ng hapon, nakatayo at nagyoyosi ang biktima sa Balwarte st., Bagong Silang ng lungsod nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin si Andrade. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwan nakatimbuwang ang biktima.
Si Andrade ay sinasabing asset ng pulis na nagtuturo ng mga pusher na sinasabing dahilan upang patayin ito ng mga nasagasaan sa droga. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending