^

Metro

Habambuhay sa 19 na akusado sa Betty Sy kidnap slay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkabi­langgo ang iginawad na pa­rusa ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa labing siyam na akusado na sangkot sa pagdukot at pag­patay sa isang Coca Cola Exe­cutive sa Quezon City ilang taon na ang nakakalipas.

Sa 100 pahinang desisyon ni QCRTC Branch 76 Judge Alexander Balut, napatuna­yan na nagsabwatan ang mga akusado sa pagdukot at pag­patay kay Betty Chua Sy, 31, noong Nobyembre 17, 2003 sa Novaliches, Quezon City.

Kaugnay nito, inatasan din ni Judge Balut ang mga nasintensiyahang indibidwal, na dalawa rito ay kababaihan na magbayad ng P50,000 bawat isa bilang moral da­mages at P70,000 sa civil indemnity sa pamilya ng biktimang si Betty Chua-Sy.

Labing-anim lamang sa 19 na akusado ang dumalo sa promulgasyon at ito ay sina Alvin Labra, Cesar Amado, Benedicto de Lima, Mariolito Demol, Edith Alazer, Silverio Superable, Renato Supe­rable, Ramon Demol, Ernesto Callos, Fidel Superable, Ro­dolfo Artoza, Hector Cornista, Jose Artoza Jr., Vicencio Soliat, Ciderio Macanib, Ramil Victoriano, Gerardo Anover at Alejandro Aldas.  Ang tatlo namang natitira pang suspek ay nauna nang nasenten­siyahan sa iba pang krimen.

Napaiyak naman ang ina ng biktima na si Maria, nang basahin ang desisyon lalo pa’t si Betty ay ang kanyang panganay at nag-iisang anak na babae

Sa rekord ng korte, si Sy ay tinambangan at pinapu­tukan ng baril ng mga aku­sado habang sakay ng kan­yang Toyota Rav 4 na sa­sakyan sa may dela Cruz St. QC at habang sugatan ito ay inilipat sa isang FX taxi na ginamit na get-away  vehicle ng mga salarin.

Nang sumunod na araw tumawag ang mga suspek sa pamilya Sy at humingi ng P10 milyong ransom. Dinala muna ang biktima sa Trese Martires sa Cavite pero nang hindi maibigay ang P10-milyong piso ransom money ay natag­puan ang bangkay nitong nakasilid sa isang garbage plastic bag sa isang bakan­teng lote sa Parañaque City.

ALEJANDRO ALDAS

ALVIN LABRA

BETTY CHUA SY

BETTY CHUA-SY

CESAR AMADO

CIDERIO MACANIB

COCA COLA EXE

CRUZ ST.

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with