Micro-finance prayoridad ni Joy Belmonte

MANILA, Philippines - Bukod sa programang pabahay, paaral sa mga kabataang mahihirap, prayoridad din ni LP Quezon City Vice Mayoral candidate Joy Bel­monte ang pagla­laan ng micro-finance sa mga mahihirap na taga-lunsod.

Sa isang panayam, sinabi ni Belmonte na kaila­ngang bigyan ng sapat na puhunan ang mga taga-lunsod upang may mapagkunan naman sila ng kanilang ikabubuhay sa ilalim ng proyektong ito.

Kasama rin anya sa mga mabebenepis­yuhan nito ang mga taga-lunsod na nawalan ng trabaho at walang trabaho sa kasalukuyan

Bukod dito,sinabi pa ni Joy B na may mga pro­grama din anyang libreng seminar at training ang pinamumunuang Ladies Foundation para  sa mga ginang ng tahanan, out-of-school youth at mga walang trabaho para kumita. Kabilang dito ang   pag­gawa ng sabon, pananahi at iba pa na popondohan sa ilalim ng micro finance program. Umaabot umano sa 40 por­siyento ang poverty level sa Quezon City sa kasalukuyan. (Angie dela Cruz)

Show comments