Micro-finance prayoridad ni Joy Belmonte
MANILA, Philippines - Bukod sa programang pabahay, paaral sa mga kabataang mahihirap, prayoridad din ni LP Quezon City Vice Mayoral candidate Joy Belmonte ang paglalaan ng micro-finance sa mga mahihirap na taga-lunsod.
Sa isang panayam, sinabi ni Belmonte na kailangang bigyan ng sapat na puhunan ang mga taga-lunsod upang may mapagkunan naman sila ng kanilang ikabubuhay sa ilalim ng proyektong ito.
Kasama rin anya sa mga mabebenepisyuhan nito ang mga taga-lunsod na nawalan ng trabaho at walang trabaho sa kasalukuyan
Bukod dito,sinabi pa ni Joy B na may mga programa din anyang libreng seminar at training ang pinamumunuang Ladies Foundation para sa mga ginang ng tahanan, out-of-school youth at mga walang trabaho para kumita. Kabilang dito ang paggawa ng sabon, pananahi at iba pa na popondohan sa ilalim ng micro finance program. Umaabot umano sa 40 porsiyento ang poverty level sa Quezon City sa kasalukuyan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending