Obrero nakuryente

MANILA, Philippines - Agad nasawi ang isang obrero makaraang makur­yente ito sa ginagawang paaralan, kamakalawa ng gabi sa Villamor Airbase, Pasay City. Dead-on-the-spot ang biktimang nakila­lang si Bobby Empeno, 23-anyos, binata, mason at stay-in sa loob ng Villamor Airbase. Inaayos ni Em­peno ang mga ilaw sa loob ng isang ginagawang silid-aralan ng Philippine Estate College or Aeronautics sa loob ng Villamor Airbase nang mahawakan niya ang isang live wire sanhi upang makuryente ito. (DGarcia)

Show comments