Tumawid, sinalpok

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang hindi nakikilalang pe­destrian makaraang salpu­kin ito ng isang ru­mara­ga­sang van habang papata­wid sa kahabaan ng Com­mon­wealth Ave­nue, Brgy. Batasan Hills sa Quezon City, ini­ulat ka­hapon. Dahil walang pag­kakakilanlan, isinalarawan ang nasawi sa edad na 50-55 anyos, payat, nakasuot ng pu­lang t-shirt at itim na slack pants, at may taas na 5’7’’-5’8’’. Nabundol siya ng Mit­su­bishi Canter alu­minum van (WEZ-955) na mina­ma­neho ni Fre­delino Per­digon, 38, ng Camarin, Caloocan City. (Ricky Tulipat)

Show comments