^

Metro

Kontra sa relasyon: Nobyo ng anak pinadukot ng parak

-

Nagpatulong kaha­pon kay Manila Mayor Alfredo Lim ang isang ama na nagreklamo sa pag­ kawala ng kanyang 18 anyos na anak na pina­niniwalaang “pina­tahimik” ng isang pulis-Maynila dahil sa pagtutol nito sa relasyon ng bik­tima sa “stepdaughter” ng natu­rang pulis noong Biyernes sa Sampaloc, Maynila.

Inatasan naman ni Lim si P/Supt. Alex Guttie­rez, hepe ng Manila Po­lice District-District Spe­cial Unit, na tulungan si Victor Eusebio, ama ng na­wawalang si Ron Michael Eusebio, 4th year high achool student ng Perpetual Help College at residente ng 2514 Vision St., Sta.Cruz, Maynila.

Sinabi ng matandang Eusebio na huli niyang nakita si Ron Michael noong Biyernes, kasama ang mga kaibigan nitong sina Paulo Rojo, Edward Malaga, at isang nanga­ngalang Shine, na pu­mun­ta sa bahay ng nobya nitong si Shaine Florido.

Si Florido ang step­daughter ni PO2 Augusto Abiong ng Manila Police District-Intelligence Unit.

Nangangamba si Eusebio na “sinalvage” umano ni Abiong ang kan­yang anak dahil hang­ gang sa ngayon ay hindi pa nakakabalik sa ka­nilang bahay si Ron Michael.

Noong Biyernes ng alas-8 ng gabi, pumunta umano si Ron Michael sa bahay ni Florido sa 1370 A.H. Lacson St., Sam­paloc kasama sina Rojo, Malaga at Shine pero ang biktima lamang ang pina­pasok ng bahay.

Nalaman na tutol umano ang pamilya ni Abiong kay Ron Michael sa pag-aakalang pine­pera­han lamang nito si Florido. Nagbilin umano ang biktima sa mga kaibi­gan na tumawag sa kan­yang ama sa sandaling hindi pa siya lumabas sa bahay ng babae sa loob ng dala­wang oras.

Matiyaga naman uma­nong naghintay ang mga kaibigan pero, ma­kalipas ang ilang oras, lumabas ang biktima at ku­maway sa mga kaibi­gan pero muling puma­sok sa loob ng bahay.

Gayunman, nainip ang mga kaibigan nang hindi na ito lumalabas pa kaya ipinasya nilang iwanan na ang biktima.

Hindi naman sinabi ng mga kaibigan sa ama ng biktima ang nangyari at Linggo pa nalaman ni Eusebio na hindi nakauwi ng bahay ang biktima. Nag-text siya sa cell­phone ng biktima pero nag-reply ito ng “Ayos na.”

Muling tinext ni Eusebio ang kanyang anak pero nagtaka siya kung bakit iba ang mga reply nito sa kan­yang cellphone. Aniya, alam niya ang style ng pagtext ng kanyang anak. Dahil dito, kinausap ni Eusebio si Abiong kung saan iti­nanggi nito ang akusas­yong may kinala­man ito sa pagkawala ng biktima.

Sinabi ni Abiong na hindi nagpunta sa ka­nilang bahay ang biktima. Subalit sa ikalawang pag­kakataon, sinabi naman ng pamilya ng nobya na umalis na sa kanila ang biktima at may kasamang dalawang babae.

Pinuna ni Eusebio na hindi magkakatugma ang mga pahayag ng pamilya Abiong.

Sinampahan ng ka­song “kidnapping” sa Manila City Prosecutor si Abiong, Sherwin Florido at Shirley Florido, nanay ni Shaine.

ABIONG

ALEX GUTTIE

BAHAY

BIKTIMA

EUSEBIO

MAYNILA

RON MICHAEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with