^

Metro

10-anyos tiklo sa 'bukas-kotse' sa Crame

-

MANILA, Philippines - Dahilan walang pambili ng bagong damit sa Christmas party , naaresto ng mga Base Police ang isang 10 -anyos na batang lalaki matapos itong mahuli sa aktong binubuksan ang sasakyan sa loob mismo ng Camp Crame sa Que­zon City kahapon ng umaga.

Nahuli ang hindi pina­ngalanang totoy habang binubuksan ang sasakyan ni PO3 Elmer Velasco, isa sa mga tauhan ni Chief Supt. Nicanor Bartolome, Chief ng PNP-Police Com­munity Relations Group (PNP-PCRG).

Batay sa imbestigas­yon ng Base Police, pasado alas-7 ng umaga nang maaktuhan ang bata na binubuksan ang Nissan Sentra (WKP-121) ni Velasco sa loob ng PIO compound.

Ang bata ay naaktuhan ni Supt. Adriatico del Camat, Deputy ng Direc­torate for Police Commu­nity Relations (DPCR).

Nakuha sa bata na isang Grade 3 pupil sa Crame Elementary School ang bungkos ng susi na hinihinalang gina­gamit nito sa pagbubukas ng ilang mga sasakyan na nakaparada sa loob ng punong tanggapan ng PNP.

Gayunman, tanging iyak na lamang ang na­itugon ng bata nang tanungin ng mga pulis kung sino ang nag-utos sa kaniya na magbukas ng kotse para magnakaw.

Sinabi ng bata na nais lamang niyang magkapera dahilan wala umano siyang pambili ng bagong damit kaya naisipang magbukas ng kotse para nakawin ang mga gamit na matatagpuan dito.

Nabatid na ang bata ay dalawang araw na rin umanong hindi puma­pasok sa eskuwelahan.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang kasabwat ng nasabing paslit mata­pos ang serye ng pagbu­bukas ng kotse sa mga nakaparadang sasakyan  sa loob pa mismo ng Camp Crame. (Joy Cantos)

BASE POLICE

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRAME ELEMENTARY SCHOOL

ELMER VELASCO

JOY CANTOS

NICANOR BARTOLOME

NISSAN SENTRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with