Andal Ampatuan Jr. itatakas sa NBI

MANILA, Philippines - Mas mahigpit pang seguridad ang ipapatu­pad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labas at loob ng head­quarters matapos maka­kalap ng intelligence report na may planong itakas si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., mula sa kanyang selda sa NBI.

Batay sa dokumenta­dong ulat, inilabas ng NBI ang direktiba mas lalong higpitan ang seguridad sa paligid ng tanggapan upang mapi­ gilan ang planong pag­pu­puslit sa pangunahing akusado sa Nov. 23, Maguindanao massacre.

Kabilang dito ang “strictly no parking po­licy” sa harapan ng NBI main office, sa Taft Ave­nue mula UN Avenue hang­gang Padre Faura Sts., sa Ermita, Maynila.

Ikinandado na rin ang gate ng NBI malapit sa MPD-Station 5, bagamat maari lamang gamitin kung may sapat na ban­tay ng mga ahente, spe­cial investigator at secu­rity officers tulad ng dami ng bantay sa main gate.

Nauna rito, ang ti­nang­gap na ulat na naka-check in ngayon sa ilang mga hotel sa Maynila ang mga ga­lamay ng Am­patuan mula ng dalhin ang mayor sa NBI.

Show comments