^

Metro

Sa loob lamang ng 24 oras: 3 bata patay sa 3 aksidente sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Tatlong paslit ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na aksidente   sa loob lamang ng 24 oras sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng traffic sector ng pulisya dito kahapon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Rudie Valoria, hepe ng Quezon City Police District Traffic, nakilala ang mga nasawi na sina Jarish Rhanzon Sta. Rosa, 2-anyos, ng Brgy. San Isidro Galas; Angel Canaveral, 3-anyos, ng Manungal St., Tatalon; at Migo Bacorro, 5-anyos, ng   Sauyo Novaliches, pawang mga taga -lungsod.

Sinasabing unang napaulat na nasawi sa aksidente ang biktimang si Sta Rosa na nabundol at nasagasaan ng isang PUJ (CNU-873f) na minamaneho ni Anthony Reyes, 48, ng #37 San Antonio St., San Francisco del Monte sa lungsod pasado alas -5 noong Lunes ng hapon habang tinatahak nito ang D. Tuazon St., Brgy. San Isidro Galas.

Ganap namang alas-12:10 Martes ng tanghali nang masa­gasaan ang biktimang si Canaveral ng Toyota Fortuner wagon (REK-372) na minamaneho ni Rogelio Abelliana, 46, family driver ng Jasmin St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Ganap na alas-10 kamakalawa ng gabi nang maaksidente si Bacorro ng minamanehong Mitsubishi L-300 van (ZCN-543) ni Emmanuel Valentin, 40, binata, ng   Apocar Subdivision Tandang Sora sa lungsod. Kasong reckless imprudence resulting in homicide na inihain ng awtoridad sa mga nakabundol na driver.

Babala naman ng awtoridad sa mga magulang na maging maingat at huwag na pababayaan ang kanilang mga anak na nag-iisa sa kalsada lalo ngayong maraming motorista ay kaskasero sa kalsada at hindi nakikita ang mga paslit na tulad nila habang nagmamaneho sa kalsada. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANGEL CANAVERAL

ANTHONY REYES

APOCAR SUBDIVISION TANDANG SORA

BRGY

EMMANUEL VALENTIN

GANAP

HOLY SPIRIT

JARISH RHANZON STA

SAN ISIDRO GALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with