^

Metro

Pajero may mga baril, granada inabandona malapit sa NBI

-

MANILA, Philippines - Nadiskubre ang isang gra­nada, M-16 armalite rifle at shotgun sa loob ng isang inaban­donang Pajero, malapit sa tang­gapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan nakapiit ang pangunahing aku­sado sa Nov. 23 Maguin­danao massacre, sa Padre Faura, Ermita, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa pahayag ni Manila Police District-District Mobile Patrol Unit chief, Supt. Ferdinand Qui­rante, naging palaisipan ang pag­­ kakatagpo ng nasabing mga armas at granada dahil nakataas ang heightened alert sa paligid ng NBI, kasunod na rin ng intelligence report na may 300 katao ang naka-check-in sa iba’t-ibang hotel sa Maynila, na pawang nagmula sa Mindanao, simula nang maikulong si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na dinakip dahil sa mass killing.

Dakong alas- 9:10 ng gabi nang madaanan umano ng Mo­bile car nina PO3 Arthur Marti­nez at PO2 Bernard Alcantara ang isang kulay puting Mitsu­bishi Pajero na may plakang EMS-533 sa kanto ng Leon Guinto at P. Faura, na kahina-hinala ang pagkaparada.

Nang lapitan ay walang tao ang sasakyan habang naispa­tan sa loob nito ang isang gra­nada, M-16 rifle sa front passenger seat at shot gun sa likurang bahagi ng sasakyan. Natuk­lasan din na loaded ng 8 bala ang armalite at ang shotgun din ay kargado ng bala.

Rumesponde rin ang Scene of the Crime Operatives na nakakuha ng official receipt sa loob ng sasakyan na nakapa­ngalan sa isang Cesar Betera, residente ng no. 39 Carmela Ave­ nue, Project 6, Quezon City, na tumutugma umano sa plaka ng Pajero. Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing indibiduwal.

Samantala, dinagdagan pa ang itinalagang security personnel na magbabantay sa paligid at loob ng NBI matapos ang na­samsam na mga armas at gra­nada. Aminado si Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU) at tagapagsalita ng NBI, na hindi nila ipinagwawalang-bahala ang insidente sa isyu ng seguridad.

Bunsod nito, hindi na pina­pa­yagan ng NBI ang anumang behikulo na pumarada sa harap ng NBI headquarters, sa kaha­baan ng Taft Avenue. Ermita. (Ludy Bermudo)

ARTHUR MARTI

BERNARD ALCANTARA

CARMELA AVE

CESAR BETERA

COUNTER TERRORISM UNIT

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

ERMITA

FERDINAND QUI

LEON GUINTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with