School administrator, patay sa ambush

MANILA, Philippines - Patay ang isang administrator   ng isang Chinese school maka­raang ambusin ng limang kala­lakihan habang nag­ma­maneho ng kani­yang kotse ang una sa Bi­nondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Lauriano Yulo, 40 , administrator ng Philippine Tiong Se Academy at residente ng Citihomes Subd., Molino 4 , Bacoor Cavite sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin ang suspek sa loob ng kan­yang minamanehong Toyota Revo (WGB-808) habang binabagtas ang Dela Reina St., Binondo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na naki­halo sa dagsang mami­mili ng kalapit na mall.

Tinitignan naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pina­demolis ng nasawi ang sqautter na nakatayo sa likod ng paaralan noong nakalipas na taon. Ga­yunman, masusi pang iniimbestigahan ang kaso. (Ludy Bermudo)

Show comments