School administrator, patay sa ambush
MANILA, Philippines - Patay ang isang administrator ng isang Chinese school makaraang ambusin ng limang kalalakihan habang nagmamaneho ng kaniyang kotse ang una sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Lauriano Yulo, 40 , administrator ng Philippine Tiong Se Academy at residente ng Citihomes Subd., Molino 4 , Bacoor Cavite sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin ang suspek sa loob ng kanyang minamanehong Toyota Revo (WGB-808) habang binabagtas ang Dela Reina St., Binondo.
Mabilis na tumakas ang mga suspek na nakihalo sa dagsang mamimili ng kalapit na mall.
Tinitignan naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pinademolis ng nasawi ang sqautter na nakatayo sa likod ng paaralan noong nakalipas na taon. Gayunman, masusi pang iniimbestigahan ang kaso. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending