MANILA, Philippines -Epektibo Enero 1, 2010 sisimulan nang ipatutupad ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang taxi metering receipt kung saan metro na at hindi na manual ang isyuhan ng resibo ng mga taxi units na papasada sa loob at labas ng Metro Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Ellen Cabatu, board member ng LTFRB, ang mga taxi units na may ending plate number 1 ang partikular na dapat ay mayroon na ng gadget na ito bilang pagtalima sa programa hinggil dito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa pagtatama sa pagbubuwis sa mga pampasaherong sasakyan.
Anya, nitong Hulyo pa ng taong kasalukuyan ay mayroon nang ibang taxi operators ang naglagay na ng taxi meter receipt bilang pagtalima sa naturang programa ng pamahalaan.
Niliwanag ni Cabatu na ang sinumang taxi unit na may ending 1 sa Enero na wala pang taxi meter receipt ay malamang pagmultahin ng P2,000 bilang penalty.
Dapat ay noong Enero 2009 pa napasimulan ang programang ito, pero dahil sa hiling ng taxi operators na ipagpaliban muna ng ilang buwan.
Ang nagbebenta ng mga tax meter receipt ay accredited ng Department of Trade and Industry(DTI) sa pakikipag- tulungan ng BIR. Ang taxi meter receipt ay nagkakahalaga ng P15,000.00. (Angie dela Cruz)