Mister niratrat sa harap ni misis

MANILA, Philippines - Isang mister ang nasawi makaraang pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang misis ang tatlong kalalakihang sakay ng motorsiklo habang ang dalawa ay nakatayo sa labas ng kanilang tahanan sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Filipino Villapando, 50, secretary sa MBR, at residente ng Bldg. 214 MRB Pilot Drive Brgy. Common­wealth sa lungsod.

Natukoy naman ang mga suspek sa alyas na Arman, Rixon, at Cris na nagsitakas sakay ng isang motorsiklo matapos ang ginawang pamamaril.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may harap ng tahanan ng biktima pasado alas-9 ng umaga. Sinasabing nakatayo ang biktima kasama ang kanyang misis na si Melba nang biglang dumating ang mga suspek at biglang pinagbabaril ang una.

Nagawa namang maitakbo ni misis ang kanyang mister sa Malvar hospital ngunit idineklara din itong patay.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang motibo ng nasabing pamamaril. (Ricky Tulipat)

Show comments