^

Metro

Matagal na akong nagseserbisyo sa publiko - Joy Belmonte

-

MANILA, Philippines - “Hindi ako bago sa serbisyo publiko. Matagal na akong   naglilingkod sa mamamayan na taos sa puso at walang hina­hangad na kapalit.”

Ito ang sagot ni Liberal Party  QC Vice-Mayorial candi­date Joy Belmonte sa pahayag ni  Councilor Aiko Melendez  na walang karanasan sa politika ang una at bago pa lamang ito sa larangan ng pagseserbisyo.

Binigyang diin ni Joy B na lingid sa kaalaman ng marami pagkatapos na pagkatapos niyang mag-aral sa kolehiyo ay naglingkod na siya nang tahimik sa mga mamamayan sa mga liblib na pook bilang guro ng  mga kabataan sa Bukidnon. 

Ilang taon din anya siyang naglingkod sa publiko nang maging Pangulo ng Ladies Foun­dation kung saan ang mahihirap na taga-QC ang kanilang prinayoridad na na­pag­lingkuran at patuloy na pinaglilingkuran hanggang sa kasalukuyan.

Ilang kritiko naman ang nagsasabi na dapat ay hindi na lamang nagsasalita si Melendez ng komento sa mga kalaban nito sa politika dahil bago naman ito naging konsehal ng QC, ito ay isang artista at walang karanasan sa politika.

“Bago man ako sa politika, hindi naman ako bago sa pag­seserbisyo, ilang taon akong nagsilbi sa bayan habang ako ay nasa NGO, paglilingkod na walang hinihinging kapalit, ngayon sa aking pagtakbo nais ko pang lawakan ang pagbi­bigay serbisyo sa publiko,” pahayag pa ni Joy B.  

Idinagdag pa nito na ang taong may political will ang kailangan para umunlad ang isang bayan.

Samantala, prioridad ni Joy B na paglaanan ng libreng edu­kasyon ang mga mahihirap pero deserving na mga mag- aaral sa lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni Belmonte na bagamat halos lahat na ng programa sa mga taga-lungsod ay nagawa na ng ama na si QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte tulad ng libreng paaral, magiging prayoridad pa rin niya ito upang lalong ma­ipagpatuloy ang nasimulan ng ama sa pag­lalaan ng mahusay na edukas­yon sa mga mahi­hirap pero deserving na mga mag aaral.

Sinabi pa nito na patuloy ang pagkalap ng kanyang tang­gapan sa mga datos  sa may 142 barangays sa lungsod para matiyak ang mga tutulu­ngang kabataan para dito.  (Angie dela Cruz)

BELMONTE

COUNCILOR AIKO MELENDEZ

ILANG

JOY B

JOY BELMONTE

LADIES FOUN

LIBERAL PARTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with