Grupo ng homeowner naghabla
MANILA, Philippines - Humantong sa demandahan ang usapin ng magkalabang paksiyon ng mga opisyal ng BF Homes Executive Village Homeowners Association Inc. Pormal nang naghain ng reklamo ang negos yanteng si Virginio Aris, Presidente ng BF HEVA, sa Housing and Land Use Regulatory Board laban sa siyam na Board of Directors dahil sa iligal umanong pagpapatalsik sa kaniya o kawalan ng due process at legal basis. Kabilang sa kinasuhan sina Jose Cailipan, Owen Imperial, Efren “Boy” I. Cordero, Leony Avante, Dr. Bong Joson, Ferdie Austria, Quint Felipe, Lucille Hawke at Darwin Cruz. Nais ni Aris na pigilan ng HLURB sa pag-upo ni Cailipan bilang kapalit niya at harangin ang mga iligal na aksiyon ng board of directors. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending