NCRPO nasa heightened alert

MANILA, Philippines - Isinailalim mula ka­hapon sa heightened alert ang puwersa ng National Capital Regional Police Office kasabay ng utos ni NCRPO Chief Director Roberto Rosales ang ibayong pagtatalaga ng mga checkpoint para maiwasang umabot dito sa Metro Manila ang kasalukuyang kagu­luhan sa Maguindanao.

Inatasan ni Rosales ang limang district director at 37 station commander na magsagawa ng malawakang mga checkpoint para mapi­gilan ang pamilya ni Datu Unsay, Maguin­danao Mayor Andal Am­pa­tuan Jr. na magpuslit ng mga baril at pampa­sabog sa kalakhang Maynila.

Si Ampatuan Jr. ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa may 57 katao sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23.

Nagpatulong din si Rosales sa Aviation Security Group at Maritime Command sa pagtunton sa mga armas ng mga Ampatuan. (Non Alquitran)

Show comments