^

Metro

Pulubi sa MM lalambatin

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority sa Department of Social Welfare and Development para sa planong pagdampot at paglilinis sa mga kalsada ng Metro Manila sa nagkalat na mga pu­lubi ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na nagbuo na ng Task Force si Chairman Oscar Ino­centes na makikipag-ugnayan sa DSWD upang damputin ang lahat ng mga pulubi at palaboy sa mga pangu­nahing lansangan na labis na nagdu­dulot ng panganib, hindi lamang sa kanilang buhay kundi maging sa mga motorista.

Bukod sa mga dating palaboy ng Metro Manila, dagsa na rin ngayon ang mga pulubing Badjao na pumapasok pa sa mga pampasaherong bus at jeep at kumakanta, at mga Igorot na mata­tanda.

Sinabi ng MMDA na maraming moto­rista at pasahero ng pampublikong sasak­yan ang nagrereklamo sa araw-araw na pang-iistorbo sa biyahe ng natu­rang mga namamalimos kung saan ma­rami ang natatakot sa pansariling kalig­tasan habang nanganganib rin ang buhay ng mga namamalimos dahil sa walang takot na paggitna sa mga kal­sada kasama pa ang mga sanggol na anak.

Batay sa rekord ng MMDA, dalawa na ang naitatalang nadisgrasyang namamalimos sa lansangan dahil hindi namalayan ng motorista ang ginagawa nilang panghaharang sa lansangan upang humingi ng limos.

Bukod dito, hindi aniya maganda sa pananaw ng mga dayuhang turista na tiyak na daragsa ngayong panahon ng Kapaskuhan ang makikitang pangha­harang sa lansangan ng mga palaboy at pulubi sa lansangan na makakasira sa imahe ng bansa.

Tatalakayin rin naman ng MMDA ang pagsasagawa ng aksyon laban sa mga nagpapanggap na mga “religious groups” na dating pumapasok sa mga bus ngunit ngayon ay sa mga pampa­saherong jeep na rin at nanghihingi ng solisitasyon sa mga pasahero. (Danilo Garcia)

BUKOD

CHAIRMAN OSCAR INO

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

KAPASKUHAN

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with