^

Metro

Club minomonitor kay Ivler

-

MANILA, Philippines - Nakatutok ngayon ang Quezon City Police sa mga night spots sa dalawang siyudad sa labas ng Metro Manila na pinaniniwalaang mada­las tambayan ng madu­las na si Jason Ivler, ang American citizen na wanted dahil sa pagpatay sa anak ng isang opisyal ng Mala­kanyang kama­kailan.

Ayon kay Supt. Lino Banaag, hepe ng QCPD criminal Investigation and Detection Unit, mino­monitor nila ngayon ang mga nightspots sa Ta­gaytay City at Antipolo City na pinaniniwalaan nilang gusto at palagiang pinupuntahan ni Ivler.

Gayunman, tumanggi namang tukuyin ng opisyal ang mga clubs at night spots sa paniwa­lang baka mabalewala ang operasyon ng kan­yang tropa.

Ang tropa ng CIDU ang in-charge sa pagtu­gis kay Ivler na suspek sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Mala­cañang Undersecretary Renato Ebarle Sr., noong Nobyembre 18.

Ang batang Ebarle umano ay binaril ni Ivler dahil lamang sa simpleng alitan sa trapiko sa may Santolan Road.

Si Ivler ay nauna nang sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pagkamatay ni Nestor Ponce, opisyal din ng Ma­­lacañang, sa isang insi­dente rin ng trapiko noong 2004. (Ricky Tulipat)

ANTIPOLO CITY

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

IVLER

JASON IVLER

LINO BANAAG

METRO MANILA

NESTOR PONCE

QUEZON CITY POLICE

RENATO EBARLE JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with