^

Metro

Maid kinalbo, plinantsa ng amo

- Nina Butch Quejada at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang kasam­bahay dahil bukod umano sa labis na pag­ma­mal­trato sa kanya ng pamilya ng bilyonar­yong Intsik, kinalbo pa ang buhok nito saka plinantsa ang liku­rang bahagi ng katawan.

Ang biktima, si Gina Renacia, 33, ay pormal na nagharap ng sum­bong sa Department of Justice, laban sa bilyo­naryong akusado na si Mariano Tanenglian, asawa nitong si Aleta Ade­line at anak nilang si Junjun Tanenglian.

Nabatid na  ang bik­timang si Renacia ay dumanas ng pisikal at mental na pag-abuso mula sa mga nabanggit na amo nang siya ay namamasukan bilang katulong noong Nob­yembre 1992, at siya ay 15-anyos pa lamang.

Unang idinulog ang reklamo sa Philippine National Police (PNP).

Kabilang sa sinapit ng biktimang dati pang menor de edad, ang pa­na­nakit sa kanyang kata­wan, sinasampal sa tu­wing may pagkakamali at pinupwersang kalbu­hin ang sarili at ang pag-paso sa kaniyang likod ng ma­ init na plantsa hang­­gang sa maospital siya sa PGH.

Kung matatandaan, dalawa pang kasam­bahay ang nagharap ng sum­bong sa Quezon City Police laban sa pa­milya Ta­neng­lian dahil umano sa pang-aabuso at pang­ma­maltrato ng mga ito sa kanila.

Ang isa sa mga ka­sam­bahay ay tumakas sa pa­milya Tanenglian, ha­bang ang isang bik­tima naman ay ni-rescue sa mansiyon ng mga Tan sa #30 Biak na Bato St., corner Dapi­tan St., Sto. Do­mingo, Q.C.

Nauna nang nagha­rap ng pormal na sum­bong ang dalawang bik­tima na tinukoy sa pa­ngalang Mary Jane Sol­lano, 18, tubong Zam­bo­anga del Sur, at Aljane Bacanto,19, mula sa Leyte.

Si Sollano ay may limang taon nang nanil­­bihan bilang kasam­bahay habang si Bacanto na­man ay may tatlong taon nang nama­sukan dito.

Ang mga biktima ay nasa ilalim ngayon ng ‘counseling’ sa tulong ng Teresita Ang See’s Kaisa Foundation.

vuukle comment

ALETA ADE

ALJANE BACANTO

BATO ST.

DEPARTMENT OF JUSTICE

GINA RENACIA

JUNJUN TANENGLIAN

KAISA FOUNDATION

MARIANO TANENGLIAN

MARY JANE SOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with