Bumbero inabangan, tinarakan
MANILA, Philippines - Patay ang isang fireman volunteer habang nasa kritikal na kondisyon ang kasamahan nito matapos na pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang kala lakihan sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawi na si Froilan Eugenio, 22, ng Brgy. Tañong ng lungsod na ito. Sugatan naman si Richard Alfonso, 33.
Sa imbestigayon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw naganap ang insidente, habang naglalakad papauwi ang mga biktima sa kahabaan ng Adante st., Brgy. Tañong, nang harangin ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang dalawang fire volunteer.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.
Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending