^

Metro

3 tiklo sa mga pekeng pera

-

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong lalaki na res­pon­sable sa paggawa ng mga pe­keng P1,000 at P500 bills matapos ang isang buy bust operation sa mismong pagawaan sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga suspect na sina Richard Dan, alyas Richard Tang, 38; Ricky Chan alyas Iking, 45; at Roel Yacob alyas Ri­chard­, 41.   

Inihahanda na ang kasong illegal possession and use of false treasury o bank notes and other instruments of credits laban sa mga suspect. Ang tatlo ay pinaniniwa­laang nagpa­pa­kalat ng pekeng pera sa Metro Manila.

Ayon sa ulat unang  bu­mili ang poseur-buyer ng tatlong pirasong P500 bills sa halagang P150 bawat isa. Muli itong nasundan kung saan 20  piraso naman ang  binili ng poseur-buyer at dito na isina­gawa ang pag-aresto sa mga suspect.

Si Dan  ang manufacturer at may-ari ng  printing machines na ginagamit sa paggawa ng fake money bills habang sina Chan at Yacob ang  gumagawa at nagsi­silbing sales agents. (Doris Franche) 

vuukle comment

ARESTADO

DORIS FRANCHE

METRO MANILA

RICHARD DAN

RICHARD TANG

RICKY CHAN

ROEL YACOB

SHY

SI DAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with