^

Metro

Totoy todas sa gang war

-

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos na pagbabarilin sa ulo ng grupo ng mga kalalakihang miyembro ng gang sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Efren Cabacungan, out of school youth ng Acapulco St., Block 5, Payatas A, sa lungsod ay nakita na lamang duguang nakahandusay sa may kanal sa Motorolla St., corner Payatas Road, Brgy. Commonwealth sa lungsod pasado alas- 7 ng umaga.

Ayon sa report, gang rivalry ang sinasabing ugat ng pamamaril sa biktima.Sinasabing bago nakita ang bangkay ng biktima, nakasama umano ang biktima sa isang grupo ng gang na nakipag­rambulan sa isa ring grupo ng mga kabataan sa may Molave St., ilang metro ang layo sa pinag­tapunan dito pasado alas-4 ng madaling-araw.

Matagal na umanong problema ng mga resi­dente ang madalas na gang war na nangya­yari sa kanilang barangay na kinakasangkutan ng mga kabataan na mistulang nagsisiga-sigaan dito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

ACAPULCO ST.

AYON

BRGY

ISANG

MOLAVE ST.

MOTOROLLA ST.

PAYATAS A

PAYATAS ROAD

RICKY TULIPAT

SI EFREN CABACUNGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with