MANILA, Philippines - Walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong tanggapan sa Pasay City sa Disyembre 4 dahil sa pagdiriwang ng ika-146 founding anniversary ng lunsod. Idineklara ni Mayor Wenceslao Trinidad na non-working holiday ang darating na Biyernes upang ipagdiwang ang araw ng pagkakatatag ng lunsod ng Pasay. Isang mega job fair ang isasagawa sa Pasay City Hall kung saan 2,250 trabaho ang maaaring makuha ng mga residente ng lunsod na walang hanapbuhay.