^

Metro

Remonde binato sa rally

- Nina Ludy Bermudo at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Namuo ang tensyon sa rally ng mga mama­mahayag at militanteng grupo para sa panawa­gang hustisya sa mga Maguindanao massacre victims nang batuhin ng nilamukos na dyaryo, damo, takip ng bote at iba pa ng ilang raliyista si Presi­dential Spokesman at Press Secretary Cerge Remonde sa paanan ng Don Chino Roces Bridge (dating Mendiola) malapit sa Malacañang kahapon ng tanghali.

Una nang pinigilan ng NPC si Remonde sa pag­punta sa Mendiola para harapin ang mga media­men at ibang protesters pero nagpumilit ito at igniit na nais nitong ma­rinig ang hinaing ng mga raliyista at mediamen dahil isa rin siyang dating journalist.

Pero palapit pa la­mang si Remonde sa mga raliyista ay agad siyang sinalubong ng mga sigaw at bulyaw at tinawag na berdugo.

Nang tinawag at ipi­nakilala si Remonde para magsalita ay bigla na lamang inagaw ang mi­crophone ng isang mili­tante at sinabing hindi maaaring magsa­lita sa “programa ng bayan” ang taga-Mala­cañang na isa umanong sinungaling.

Gayunman, nabigla ang lahat ng nasa pagti­tipon nang hindi pa halos nakakapagsalita si Re­monde sa entablado ay mabilis siyang kuyugin ng mga aktibista at isa rito ang bu­mato ng lata ng soft­drinks, bote ng mi­neral water, at nila­mukos na papel sa kalihim.

Naawat naman ang gulo at nailayo doon si Remonde.

DON CHINO ROCES BRIDGE

GAYUNMAN

MAGUINDANAO

MALACA

MENDIOLA

NAAWAT

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

REMONDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with