^

Metro

Bar inumitan ng empleyado

-

MANILA, Philippines - Isang 41-anyos na empleyada ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y pagnanakaw ng mahigit P1 milyon sa pinapasukan niyang bar sa Barangay Sta. Cruz, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si May Osorio, may-asawa, accounting clerk ng Queens Castle Bar na nasa Gen. Lim St., Ba­rangay Sta. Cruz at pag-aari ng 38-anyos na negosyanteng si Rolando Villanueva.

Ayon kay SP01 Mario Turiano ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detec­tion Unit, nahuli ang sus­pek dakong  alas-6 ng umaga sa loob ng natu­rang bar. Sinasabing, noong Nobyembre 22, natuklasan ni Villanueva na nawawala na ang P1,300.000 na kinita ng bar saka  hindi na umano nagpapakita pa ang suspek.

Ilang araw ang nakali­lipas, inutusan naman ni Villanueva si Mariano Dolores,  guwardiya ng establi­simento, na kon­takin ang suspek at dito kinumbinsi ang huli na lumutang sa naturang lugar para ayusin ang nangyaring gusot.

Nakipagkita naman ang suspek kay Dolores na naging dahilan para bitbitin siya nito patungo sa istasyon ng pulisya.

Sa pulisya, inamin ng suspek ang nagawang kasalanan dahil na rin daw sa kagipitan nito at ma­raming utang na dapat bayaran. (Angie dela Cruz)

BARANGAY STA

CRUZ

LIM ST.

MARIANO DOLORES

MARIO TURIANO

MAY OSORIO

QUEENS CASTLE BAR

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with