P5 bayad sa puri

MANILA, Philippines - Isang 59-anyos na lolo na si Modesto Gamba ng Piscador St., Navotas City ang inaresto at ikinulong kama­kalawa ng gabi ng pulisya dahil sa umano’y ilang beses na panggagahasa niya sa isang 11-anyos na batang babae sa loob ng kanyang bahay. Sinasabi ng biktimang itinago sa alyas na Liza na binibigyan siya ni Gamba ng P5 tuwing matatapos siyang pagsa­man­talahan nito at tinatakot pa siyang papatayin. (Lordeth Bonilla)

Show comments