^

Metro

Ex-bodyguard ni Ampatuan arestado sa kasong rape

-

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Para­ñaque City Police ang sinasabing dating body­guard ni Autonomous Region for Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan makaraang ireklamo ng pang­gagahasa sa isang 22-anyos na dalaga kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Nakilala ang inarestong suspek na si Isagani Aranda, 31, dating miyembro ng Philippine Marines at naninirahan sa #92 D. Tuazon St., BF Homes, Para­ñaque City. Inaresto siya sa loob ng kan­yang bahay dakong alas-10 ng umaga.

Nabatid na unang inireklamo si Aranda ng biktimang itinago sa panga­lang Jenny sa Police Community Precinct 5 ng Para­ña­­que police. Sa salaysay ng biktima, tat­long beses umano siyang ginahasa ng suspek sa paulit-ulit na pagpasok sa kan­yang kuwarto sa #95 D. Tuazon St. na ka­tabing bahay lamang ng tirahan ng suspect.

Ayon sa biktima, nangyari ang unang panghahalay ni Aranda noong Nob­yembre 13 nang pasukin siya sa ser­vants quarter at muling naulit noong Nobyembre 14 at 15 ng kasalukuyang taon.

 Matapos na arestuhin, mismong si Aranda pa umano ang nagsabi na dati siyang bodyguard ni Ampatuan.

Hindi umano kaagad nakapagrek­lamo si Jenny sa takot na totohanin ng suspek ang banta nito na papatayin siya lalo na’t sa tuwing mangyayari ang panggagahasa ay armado ng baril ang dating sundalo na itinututok sa kanya.

Ipinasa naman ng PCP 5 ang kaso sa Parañaque-Women and Children Pro­tection Center upang sila na ang mag­pa­tuloy ng imbestigasyon. (Danilo Garcia)

ARANDA

AUTONOMOUS REGION

CITY POLICE

DANILO GARCIA

INARESTO

ISAGANI ARANDA

MUSLIM MINDANAO GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

PHILIPPINE MARINES

SHY

TUAZON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with