^

Metro

Islamic center sa Maynila pinamo-monitor ni Lim

-

MANILA, Philippines - Inatasan ni Manila Mayor Alredo Lim ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) na i-sur­veil­lance ang Islamic Center sa lungsod upang ma­iwa­san ang gulo na ma­aaring idulot ng tensyon na naga­ganap sa Maguin­danao.

Sinabi pa ng Alkalde na ang lokal na pamahalaan at kapulisan ay hindi hahayaang magkaroon ng kaguluhan sa Maynila.

Inatasan na rin ni Lim ang MPD na manmanan ang mga bagong mukha at posibleng pagpupuslit ng mga armas sa Islamic community.

Ang nasabing kautu­san ay bunsod sa pag -take over ng militar sa tat­long local government buildings sa Maguindanao province upang maiwasan ang kaguluhan habang sumusuko si Datu Unsay town Mayor Andal Am­patuan Jr. sa pulisya ka­hapon ng umaga.

Si Ampatuan Jr. ang sinasabing utak sa pag- ma­saker sa 57 katao sa bayan ng Ampatuan noong Lunes. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALKALDE

DATU UNSAY

GEMMA AMARGO-GARCIA

INATASAN

ISLAMIC CENTER

MANILA MAYOR ALREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MAYOR ANDAL AM

SHY

SI AMPATUAN JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with