NBI investigator nakapatay ng 2, pinasusuko ni Mantaring
MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Nestor Mantaring ang kaniyang tauhan na lumutang sa pulisya at harapin ang two counts ng murder na kinasasangkutan sa naganap na insidente noong Nobyembre 16, sa Muntinlupa City.
Ginawa ni Mantaring ang panawagan kay Saul Hermano, nakatalagang special investigator sa NBI-Legal Division matapos na hindi na umano ito mag-report sa trabaho.
Aminado si Mantaring na nalaman niya lamang ang insidente nang masampahan na ng reklamo sa Muntinlupa Prosecutor’s Office si Hermano matapos ang pamamaril na ikinasawi ng mga biktimang sina Noly Dimaapi at Edmundo “Ding” Ullega , dakong alas-9:45 ng gabi sa harapan ng bahay ni Dimaapi, sa Katarungan Village 2, Muntinlupa City .
Hindi pa rin umano nakakatanggap ng pormal na request ang tanggapan ni Mantaring mula sa PNP kaugnay sa kaso ni Hermano.
Sa ulat, pinagbabaril ni Hermano ang dalawang biktima na nag-iinuman matapos siyang insultuhin na ‘andres de saya ‘ o ‘takot sa asawa’, bago tumakas.
Dead on arrival umano sa pagamutan sina Ullega at Dimaapi dahil sa mga tama ng bala. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending