^

Metro

Libu-libong pornographic DVD dinurog

-

MANILA, Philippines - Libu-libong mga mala­ las­­wang panoorin at DVD ang dinurog kahapon sa Manila City Hall sa pangu­nguna ni Mayor Alfredo Lim at Optical­ Media Board chairman Ronnie Ricketts matapos na magsagawa ng pagsalakay ang mga ta­uhan ng Manila Police District sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Ayon kay Lim, ngayon pa lamang ay dapat nang ma­tigil ang bentahan ng mga pornographic DVD na nagi­ging dahilan ng mga krimen kabilang na ang mga pang­gagahasa at pang-aabuso sa mga bata.

Aniya, ngayong naipasa na ang Anti- Child Porno Law, mas magiging matibay ang kanilang paninindigan upang maipatupad ang batas na matagal na ring ipinaglaban ng iba’t ibang sektor.

Sinabi ni Lim, na kan­yang inatasan si MPD director Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay na tukuyin ang mga lugar na talamak ang benta­han ng mga DVDs upang agad na maipasara at ma­pa­tawan ng kauku­lang parusa.

Iginiit naman ni Ri­cketts, na nakikipag-ugna­yan na rin sila sa lahat ng mga local officials sa bansa upang tu­lu­yan nang ma­pa­tigil ang ben­tahan ng mga malalas­wang panoorin. (Doris Franche)

CHIEF SUPT

CHILD PORNO LAW

DORIS FRANCHE

MANILA CITY HALL

MANILA POLICE DISTRICT

MAYOR ALFREDO LIM

MEDIA BOARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with