^

Metro

Maganto naghain ng COC sa pagka-senador

-

MANILA, Philippines - Sumama na rin sa mga kandidatong nagnanais na makasungkit ng puwesto sa Senado si dating Southern Police District (SPD) director ret. General Romeo Ma­ganto­ matapos na por­mal na magsumite ito ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec).

Kasama ang kanyang mga taga-suporta na ang iba’y nanggaling pa sa Visayas at Gen. Santos City sa Mindanao, naghain ng kan­didatura bilang indipin­diyente si Maganto dakong alas-10 ng umaga na halos kasabay ng pagdating din ni Senator Lito Lapid na ma­agang naghain din ng kan­yang kandidatura bilang Senador sa ilalim ng parti­dong Lakas-Kampi.

Sinabi ni Maganto na ipinasiya niyang tumakbo sa Senado bilang indipindi­yente dahil ayaw niyang umanib sa alinmang partido na pawang malalapit niyang kaibigan at ka-alyado ang mga namumuno.

“Malapit ako sa adminis­trasyon at gayundin sa oposisyon, alam naman ng lahat na isa ako sa nagtang­gol sa administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino at naging mabuti rin naman sa akin ang kasa­lukuyang administrasyon kaya mina­buti kong huwag ng umanib sa anumang partido,” paha­yag ni Maganto.

COMELEC

GENERAL ROMEO MA

KASAMA

LAKAS-KAMPI

MAGANTO

PANGULONG CORY AQUINO

SANTOS CITY

SENADO

SENATOR LITO LAPID

SHY

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with