Paslit nakuryente sa Manila Ocean Park
MANILA, Philippines - Nasa ligtas na kalagayan ang 4-na taong gulang na sinasabing nakuryente sa loob ng Manila Ocean Park, sa Ermita, Maynila, kung saan nag-field trip kahapon.
Sa pahayag ni Marietta de Ungria, presidente ng Morong Day Care Workers Association, na siyang nagreport sa Manila Police District-Station 5, inoobserbahan sa Manila Doctor’s Hospital na ligtas naman umano sa panganib ang biktimang si Cezar Benedict Jimenez, residente ng Morong Rizal.
Sa inisyal na ulat, natapakan ng biktima habang naglalakad sa pathway palabas ng Manila Ocean Park ang isang live wire kaya nangisay at isinugod sa nasabing pagamutan.
Sa panig naman ni Ruby Cortez, vice president for sales and marketing ng Manila Ocean Park, walang nakitang burn marks o paso sa katawan ng biktima ng dalhin ito sa klinika nila.
Duda si Cortez na may epilepsy ang biktima kaya nangisay bagamat inaantabayanan nila ang opisyal na resulta ng pagsusuri ng mga doctor ng Manila Doctors Hospital. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending