MANILA, Philippines - Tataas sa P3.50 kada kilo ang halaga ng Liquified Petroleum Gas (LPG) o P40 sa 11-kilogram na tangke nito sa pagpasok ng Disyembre.
Sinabi ni LPG Marketing Association President Arnel Ty na ang pagtaas ng halaga ng LPG ay dulot ng pagtaas ng halaga ng pro dukto sa world market.
“Ang monitoring namin sa contract price, ang international price ng LPG $70 ang increase as of today. Equivalent yan sa P3.50 per kilo “ pahayag ni Ty.
Ang naturang halaga anya ay nangangahulugan ng P40 taas sa halaga ng bawat 11 tangke ng LPG . Umaabot sa P580 ang kasalukuyang presyo ng kada tangke ng LPG at aabot sa P620 sa buwan ng Disyembre.