P 5.5-mil­yong puslit na com­muni­cation equipment nasabat

MANILA, Philippines - Tinatayang P5.5 mil­yon halaga ng mga com­muni­cation equip­ment mula sa China ang na­sabat kahapon ng Bu­reau of Customs (BoC) sa Port of Manila.

Sa isang press con­ference, sinabi ni Cus­toms Commissioner Na­po­leon Morales na ang   mga na­ kumpiskang 5,500 units ng Designer Trim Style/Fea­ture tele­phones ay idi­neklara lamang bilang mga house­hold items at naka­pangalan sa Crystal Rubi Trading.

Ang nasabing mga equipment ay nagkaka­halaga ng $42,441 su­balit dahil sa mga duties at taxes na binayaran para sa household ma­terials na nagkakahalaga ng $1,190 kayat ang mga ito ay bu­maba ang value at luma­bas na smug­gling.

Pinaiimbestigahan naman ni  Morales sina BoC examiner Larry dela Cruz at principal ap­praiser Ricaflor de Leon dahil sa pagpayag ng dalawa na makapasok ang nasabing mga karga­mento dahil sila ang mga nakapirma sa import entries nito. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments