^

Metro

Oil price hike umarangkada uli

-

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagka­ka­taon matapos na kan­selahin ang “price freeze”, muling nagtaas ng pres­yo ng kanilang mga pro­duktong petrolyo ang mga kompanya ng langis si­ mula kahapon ng ma­daling-araw.

Sa kabila ng umiiral na deregulasyon sa mga produkto ng langis, pare-parehong nagpatupad ng P1.50 kada litrong pagta­taas sa mga produktong diesel, gasoline at kero­sene ang Pilipinas Shell, Petron Corp., Chev­­­­ron Phils., Total Oil Corp., East­ern Petro­leum at Flying V.

Nabatid na pinaka­unang nagtaas ng pro­dukto dakong alas-6 ka­makalawa ng gabi ang Total, habang sumunod naman dakong alas-12:01 ng madaling-araw ang Shell, Eastern Petro­leum at Flying V. Sumu­nod naman dito ang Petron at Chevron da­kong alas-6 ng umaga ka­hapon.

Wala namang ibinigay na dahilan ang mga kom­panya ng langis sa pani­bagong pagtataas bukod sa sinasabing pagba­bawi ng kanilang lugi maka­raan ang pag­papatupad ng Executive Order 839 ng pamahalaan.

Ito na ang ikalawang round ng pagta­taas base sa napagkasunduang “stag­gered basis” sa pagitan ng oil companies at Department of Energy. 

Unang nagtaas ang mga kumpanya ng langis nitong Nobyembre 18 ng P1.50 kada litro sa gasolina at kerosene at P2 sa diesel.

Dahil dito, may P3 na ang kabuuang halaga na naitaas kada litro ng ga­so­lina at P3.50 sa diesel. Una nang sinabi ng mga oil companies na aabot umano sa P4.50 ang maaari nilang itaas ngunit inunti-unti maka­raan ang pakiusap ng pa­mahalaan. Inaasahan pang may mga susunod pang pagtataas ang mga kum­panya ng langis bago magtapos ang buwan ng Nobyembre. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF ENERGY

EASTERN PETRO

EXECUTIVE ORDER

FLYING V

NOBYEMBRE

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with