Holdaper tigok sa parak

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang holdaper ma­ tapos na makipagpa­li­tan ng putok ng baril sa mga pulis-Maynila kama­ka­lawa ng gabi sa Ermita Maynila.

Tinatayang nasa pagi­tan ng 30-35-anyos ang nasawing suspect, may taas na 5’5’’–5’7’’, katamta­man ang panga­ngatawan, miyembro ng Bahala na Gang at may tattoo sa likod ng katawan na “Jun”, “Eric” at “Boy Lalunsang” at “Scor­­ pio” sa kaliwang braso at “Jimbo” at “Natu” sa kali­wang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat , dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Lagusnilad sa Taft Ave., Ermita, Maynila.

Nagsasagawa ng pag­papatrulya ang mga pulis nang napansin nila ang ko­mosyon sa loob ng isang pampasaherong jeepney kung saan nagsi­talunan umano ang apat na hinihi­nalang holdaper, habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril at pinaputu­kan ang papalapit na mga pulis.

Nakatakas ang tatlo sa mga suspek at naiwang bulagta ang isa na isinu­god sa pagamutan pero hindi na rin umabot pang buhay. (Ludy Bermudo)

Show comments