Vintage bomb natagpuan

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga residente sa isang lugar sa lungsod Quezon makara­ang matagpuan sa ba­surahan ang isang vin­tage bomb kahapon ng umaga.

Dahil sa pag-akalang posibleng sumabog ito anumang oras, nagsipag­takbuhan ang mga taong malapit sa lugar lalo pa nang makita ang bomba na kinakalawang na.

Agad namang duma­ting ang tropa ng Disposal Ordnance Division (DOD) ng QCPD, at sinimulang ilagay sa ligtas na lugar ang nasabing bomba.

Pasado alas-5 ng umaga nang matagpuan ang bomba sa may ba­surahan sa Belmont Place Bldg, Anonas Ave. cor. Aurora Blvd., Brgy. Quirino, sa lungsod.

Ayon sa bomb disposal team, 81 mm mortar bomb na ginamit pa noong World War II ang bomba at hindi naman kaagad sasabog ito kung hindi mapupuntirya ng matigas na bagay.

Ngunit malaking dis­grasya rin umano ang ma­aaring mangyari sa san­daling sumambulat ito. (Ricky Tulipat)

Show comments