^

Metro

Bonnet gang namamayagpag

-

MANILA, Philippines - Matapos na malansag na umano ang “Alvin Flores Gang”, sumalakay naman ang isa pang robbery group na “Bonnet Gang” kung saan nalusutan ang Marikina police nang pasukin ang isang establisi­mento at tangayin ang may P200,000 salapi, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Marikina police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi nang pasukin ng anim na arma­dong suspek na pawang nakasuot ng bonnet ang tanggapan ng New RBW Mar­keting Inc. sa may #194 Gen. Ordoñez St., Brgy. Marikina Heights, Marikina.

Nabatid sa ulat na agad na pinalo ng baril ng isa sa mga suspek ang security guard na si Obet Redobla at ikinandado sa comfort room matapos na disarmahan. Dumiretso naman ang mga suspek sa accounting office kung saan tinutukan rin ng baril ang mga empleyadang sina Ruby Flores at Emelyn Legario.

Agad namang hinalughog ng mga suspek ang naturang opisina kung saan natangay ang may P200,000 cash na laman ng cash box maging ang mga cell­phone ng mga empleyada.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng tatlong motorsiklo na pawang hindi naplakahan, patungo sa direksyon ng Antipolo City. (Danilo Garcia)

ALVIN FLORES GANG

ANTIPOLO CITY

BONNET GANG

BRGY

DANILO GARCIA

EMELYN LEGARIO

MARIKINA HEIGHTS

OBET REDOBLA

RUBY FLORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with