^

Metro

Killer ng anak ng Undersec­retary, kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng ka­song murder ng pamu­nuan ng Quezon City Po­lice si Jason Ivler ang umano’y killer ng anak ng opisyal ng Malakanyang dahil lamang sa simpleng away sa tra­ pi­ko sa lung­sod kama­kailan.

Ayon sa pulisya, ang pagsasampa ng kaso ay bunga ng pagkabigo nilang makuha si Ivler, 27, sa tat­long bahay kung saan pi­nalalagay nilang nagtatago ito. Si Ivler ay sinam­pa­han ng kaso sa Quezon city Pro­secutor’s Office kaha­pon bunga ng pag­patay kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ng Pre­sidential Chief of Staff Undersec­retary Renato Ebarle Sr.

Iginiit ng pulisya na si Ivler ay personal na iti­nuro ng tatlong testigo na siyang paulit-ulit na bu­maril kay Ebarle noong gabi ng Nob­yembre 18, sa may San­tolan Road malapit sa Ortigas Ave­nue, Brgy. Va­lencia ma­tapos ang pagta­talo sa trapiko.

Nitong Sabado, nilu­sob ng tropa ng mga tropa ng NBI-SAF, High­way Patrol Group, Cri­minal Investiga­tion and Detention Unit ng Que­zon City Police District, at Special Weapon and Tactics (SWAT) ang bahay ng mang-aawit na si Freddie Aguilar sa New Manila, at Blue Ridge na pag-aari naman ni Mar­lene Aguilar, nanay ni Ivler, at ang bahay ni Stephen Pollard, step­father ni Ivler, sa #18 at 23 Hillside Drive, Blue­ridge A, Libis, Quezon City, pero bigo silang ma­huli ang suspect.

Samantala, nilinaw ng pulisya na ang pagsa­lakay na kanilang ginawa sa tatlong bahay ay may ko­neksyon sa warrant of arrest sa dating kaso ni Ivler noong 2004 na reck­less imprudence resulting in homicide and damage to property.

Dito si Ivler, ay may out­standing warrant of arrest dahil sa pagka­matay ng isang Nestor Ponce, under­secretary ng Mala­kanyang noong 2004. Kinasuhan si Ivler ng Pasig City Court noong August 2004 dahil sa pagkamatay ni Ponce. (Ricky Tulipat, Angie dela Cruz at Ludy Bermudo)

BLUE RIDGE

CHIEF OF STAFF UNDERSEC

CITY POLICE DISTRICT

DETENTION UNIT

FREDDIE AGUILAR

IVLER

JASON IVLER

LUDY BERMUDO

NESTOR PONCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with