^

Metro

Nakapatay sa caretaker sumuko

-

MANILA, Philippines - Sumuko kamakalawa ang isang 20-anyos na lalaki na umaming na­naksak at nakapatay sa caretaker ng isang housing project matapos na sitahin umano siya nito habang dumudumi sa loob ng isa sa mga unit ng pabahay sa Malabon City.

Kasalukuyang naka­ku­long sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Samuel de Vera ng Ba­rangay Concepcion, Ma­la­bon dahil sa pamamas­lang sa biktimang si Carlos de Guzman, 40, caretaker ng housing project ng National Housing Authority sa Governor Pascual Avenue, Ba­rangay Baritan, ng natu­rang lungsod.

Sinabi ni de Vera na, noong hapon ng Nob­yem­bre 17, napadaan siya sa naturang paba­hay at kumalam ang sik­mura dakong alas-5 ng hapon noong Nob­yem­bre 17. Hindi na umano niya nakayanan ang ta­wag ng kalikasan kaya pumasok siya sa isa sa mga unit upang doon magbawas.

Dito umano siya na­abutan ni de Guzman na naging dahilan sa ma­initang pagtatalo. Sa alibi nito, si de Guzman uma­no ang naglabas ng pa­talim at akmang sa­sak­sakin siya pero naagaw niya ang patalim at na­saksak niya ang biktima. (Danilo Garcia)

BARITAN

CONCEPCION

DANILO GARCIA

DITO

GOVERNOR PASCUAL AVENUE

GUZMAN

KASALUKUYANG

MALABON CITY

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with