Inuman grinanada: 2 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang pasabugan sila ng granada ng mga hindi pa nakikilalang sus­pek habang nag-iinuman sila sa loob ng isang bahay sa Merville, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Isinasailalim sa ope­rasyon ang mga suga­tang biktimang sina Ariel Villaruel, 32, walang tra­baho at naninirahan sa Daop Palad Access Road, Merville; at Antonio de Jesus, alyas Jun, ng Block 13 Lot 3 Kalayaan Village, Pasay City.

Blangko naman ang mga awtoridad sa pag­ka­ kakilanlan sa suspek o mga suspek dahil sa ka­walan ng saksi. (Danilo Garcia)

Show comments