^

Metro

Killer ng anak ng Palace exec madulas

- Nina Ricky Tulipat at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tila naging madulas ang killer ng anak ng isang opisyal ng Mala­kanyang matapos na mabigo ang mga awtori­dad na maaresto ito sa ginawang pagsalakay sa dalawang bahay sa lung­sod Quezon, ayon sa ulat kahapon ng pulisya.

Apat na grupo ng mga operatiba mula sa iba’t-ibang law enforcement units ang nagtu­ngo sa bahay ng itinutu­ring na suspek na si Jason Ivler sa Blueridge Subdivision sa kaha­baan ng Katipunan Ave­nue, Quezon City at sa ancestral house ng Aguilar family sa 7th Street, New Manila, sa nasabing lungsod ngu­nit hindi nila nagawang madakip ito.

Sinasabing si Ivler ay anak ni Marlene Aguilar, kapatid ng sikat na folk singer na si Freddie Aguilar. Ama ni Ivler ang British diplomat na si Stephen Pollard ng Asian Development Bank.

Hininala naman ng pulisya na nagtatago sa lalawigan ng Rizal ang suspek dahil merong farm doon ang pamil­yang Aguilar.

Magkasama sa pag­tugis kay Ivler ang mga unit ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit, Highway Patrol Group, Criminal Investigation and Detention Unit ng Quezon City Police District at Special Weapon and Tactics.

Hiniling na rin ng mga awtoridad ang hold departure order laban kay Ivler upang mapi­gilan itong makalabas ng bansa.

Si Ivler ay panguna­hing suspek sa pagpa­tay kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ni assistant secretary Renato Ebarle Sr, na nagliling­kod sa tang­gapan ng Presidential Chief of Staff.

Nag-ugat ang pama­maril kay Ebarle dahil sa simpleng away sa tra­piko sa Santolan Road, Quezon City noong Mi­yer­kules.

AGUILAR

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BLUERIDGE SUBDIVISION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

FREDDIE AGUILAR

HIGHWAY PATROL GROUP

IVLER

JASON IVLER

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with