Beteranong holdaper ng mga estudyante nalambat
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang umano’y beteranong holdaper na nambibiktima ng mga babaeng estudyante at em pleyada sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ni Supt. Ernesto Tendero Jr., hepe ng MPD Station 3 ang suspek na si Asrap Ibrahim, 23, at residente ng Arlegui St., Manila.
Inireklamo ng biktimang si Rowena Lubaton 22, Pharmacist, ng 1037 Eloisa St., Sampaloc Maynila na pasakay siya sa isang pampasaherong jeep nang biglang lumapit at puwersahang kunin ng supsek ang mga gamit niya.
Sa takot umano ng biktima dahil sa matulis na bagay na tinutok ng suspek sa kanya kaya binigay niya at natangay ang kanyang bag na naglalaman ng mahahalagang gamit at cellphone.
Nadakip naman ng pulisya kinalaunan ang suspek habang nag-aabang pa ito ng kanyang mabibiktima sa panulukan ng Hidalgo at Quezon boulevard sa Quiapo.
Sinabi ni Tendero na ang suspek ang siyang responsable umano sa sunud-sunod na pang hoholdap sa mga babaeng estudyante at empleyada. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending